Bully-Free Worry-Free School
MGA BAGAY NA DI-DAPAT GAWIN:
Sa patakaran at alituntuning ito ng Kagawaran ng Edukasyon, nakasaad ang pagbibigay proteksyon sa mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso, diskriminasyon, pananamantala, karahasan at pananakot.

SCHOOL ANTI-BULLYING POLICY
Ayon sa batas, ang pambu-bully ay nangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa—pisikal man, berbal o takot na pumasok ng isang estudyante sa eskwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying, o pambu-bully gamit ang social media at internet.
1. Pananakot o pagbabanta sa kapwa mag—aaral, sa dignidad o pag-aari niya o ng sinumang miyembro ng kanyang pamilya.
2. Pagsunod-sunod o pagmamatyag sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao na may masamang intensiyon.
3. Pagkuha o pagsira sa pag-aari ng iba.
4. Paggamit ng mga salitang nakasasakit sa damdamin ng iba.
5. Pagkakalat ng tsismis, panunukso, pang-iinsulto o pangungutya sa isang tao, may kapansanan man o wala.
6. Pisikal na pananakit gaya ng mga sumusunod: suntok, tulak, sipa, sampal, hampas o palo, kurot, untog, sakal, kutos o batok, kalmot, anumang bagay sa kapwa at iba pa.
7. Pakikipag-away at pananakit gamit ang anumang bagay na maaring makasugat.
8. Pagsali sa Gang at Fraternity.
9. Pagkontrol sa kalayaan ng kapwa mag-aaral.
10. Panghihikayat na huwag kausapin o awayin ang kapwa kamag-anak.
11. Pagguhit, pagpapakita o paghawak sa anumang maselang bahagi ng katawan ng isang tao.
12. Cyber-bullying o pambu-bully gamit ang makabagong teknolohiya o anumang “electronic device” gamit ang internet.
13. Paghihiganti sa taong nagsumbong o tumestigo tungkol sa anumang naganap na pambu-bully.
