top of page

A. PALAGIAN AT MAAGANG PAGDALO SA KLASE (FACE-TO-FACE)

1. Pumasok at palaging dumalo sa klase.

2. Ipagbigay—alam kaagad sa guro kung liliban sa klase ng hindi inaasahan.

3. Iwasan ang pag-iwas  sa klase ng hindi  pa tapos ang takdang oras

4. Ipabatid sa guro ang pag-iwan sa klase kung kina kailangan  bunga ng pagkakasakit  o di maii- wasang dahilan.

5. Pumasok sa paaralan, sampung minuto  bago magsimula ang klase.

6. Iwasang  magpakalat- kalat pagkadating sa paaralan

B. MGA DAPAT TANDAAN SA DISTANCE LEARNING (ONLINE OR MODULAR)

C. GAWI O KILOS SA LOOB NG SILID-ARALAN (FACE-TO-FACE)

1. Laging pumasok na handa para sa mga aralin.

2. Maging magalang sa pananalita sa lahat ng oras.

3. Ugaliin ang pagdadala ng sariling gamit sa paaralan.

4. Makinig ng mabuti sa lahat ng oras.

5. Hintayin ang pagkakataon mo na makapagsalita.

6. Ibalik/Isauli ang aklat, upuan at iba pang kasangkapang sa tamang lugar matapos gamitin.

7. Simulan at tapusin kaagad ang mga gawain.

8. Iwasang abalahin ang kamag-aral habang gumagawa.

9. Maging matipid sa paggamit ng mga kagamitang pam paaralan.

10. Pamalagiing malinis at nasa ayos ang lahat ng gawain.

D. GAWI O KILOS SA PAARALAN, PASILYO AT HAGDANAN (FACE-TO-FACE)

1. Maging alerto sa mga hudyat na tinutunog ng kampana.

2. Gamitin nang wasto ang mga basurahan sa pagtatapon ng basura.

3. Maglaro ng mga kapaki-pakinabang na mga laro.

4. Iwasan ang paninigarilyo.

5. Iwasan ang anumang uri ng sugal.

6. Iwasan ang paggamit  ng mga mahahalay o malalaswang pananalita.

7. Magkaroon ng pagpipigil sa sarili sa pagsira sa mga halaman, puno at pag-akyat sa mga bakod at gate.

8. Panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa pagpasok at paglabas ng silid-aralan.

9. Ugaliing laging nasa gawing kanan sa pagdaan sa mga pasilyo at maging sa pag-akyat o pagbaba ng hagdanan.

10. Humingi ng pahintulot sa guro kung lalabas ng silid-aralan.

11. Iwasang magpagala-gala sa mga pasilyo; umuwi kaagad sa bahay pagkatapos ng klase.

12. Iwasan ang pagtigil sa mga gilid at tabi ng silid-aralan na mayroong nagkaklase.

13. Sinumang mag-aaral na mahuling gumagala sa labas ng eskwelahan sa oras ng klase ay dadalhin sa Guidance Office at ipapatawag ang                magulang. 

© 2023 by Name of Site. Proudly created with Wix.com

bottom of page